Grrr
Hindi lang talaga ako makakatulog kung hindi ko napost ito.
Hindi naman ako humihingi ng kung ano. Gusto ko lang makatulong at sa palagay ko nakatulong ako, ginawa ko ang dapat kong gawin. Pero naiinis ako kasi hindi ko man lang makita ang appreciation mo sa mga bagay bagay. Taas pa man din ng tingin ko sayo dahil sa mga inattendan mong kung anu-ano. Pero sana magreflect naman sa mo ang natutunan mo sa mga ipinapakita mo. Naiinis ako dahil may sarili kang plano at kung ano ang nasa isip mo ay iuutos mo sa mga tao. Ayaw ng mga tao ang inuutusan, unless alam nila ang gagawin nila, at gagawin nila ito ng kusa. Sana naman inintindi mo din ang sitwasyon ng mga taong sakop mo, dahil may mga iba pa silang priority bukod sa mga bagay na related sa mga pinaplano mo. Hiningi ko yun sayo. Kung ano ang pressure na nararamdaman mo ngayon, doble ang pressure ko sa mga prayoridad ko sa buhay. At sa kabila nito, ginawa ko ang aking makakaya para matulungan ka. Pero nagtataka lang ako bakit parang nakadagdag problema pa ang tulong na ginawa ko. Hay.